Funny Philippines

Your web-based tissue paper

Sexual Harassment

Sa isang opisina ng isang malaking kompanya sa Makati

“Hmmmmmm ang bango ng buhok mo”, puri ng isang empleyado sa isang empleyada.

Ang empleyada nagalit at nagsumbong sa Manager: “Gusto ko pong kasuhan ng Sexual Harassment iyong isa po nating empleyado” at ikinuwento ng empleyada ang nangyari.

Ang Manager nagtataka nagtanong: “Ang ibig mong sabihin, gusto mong magsampa ng demanda dahil pinuri ka ng isa nating empleyado na mabango ang buhok mo?”

“Ganoon na nga po.”

“Eh, wala naman akong nakikitang masama doon ah, at dapat ka pa ngang matuwa”

“Pero Sir, iyong empleyado po ay… UNANO”

Categories: Rated: green