Lola: Apo, alam mo namang matanda na ko, malapit na ako mamatay. Ipamamana ko sayo ang aking sakahan, prutasan, bahay at mga hayop.
Apo: Salamat po lola. San po yun?
Lola: Sa FaceBook apo. Eto email ko hot_lola143@yahoo.com … at ung password ko sexyganda143. Click mo sa bookmark ang FARMVILLE
Huwag kang mainlove sa taong masarap lang kausap.
Dapat,
Siya din mismo,
Masarap.
Bakit ang parents hirap intindihin?
Noon, pinapatulog tayo kahit ‘di inaantok.
Ngayon, ginigising kahit inaantok pa!
Tinuruan tayong maglakad, tapos ngayon nagagalit pag may lakad tayo!
Ang gulo ‘no?
MGA URI NG GWAPO:
INNATE: Yung tipong kahit lagyan mo ng grasa, putik o kahit anung dumi sa mukha, GWAPO pa din!
ATTITUDE: Yung nadadala sa porma, sa talent, sa kabaitan, sa talino.
PILIT: Yung TRYING HARD. Todo pa-macho na nga, todo pa-PORMA pa, ganun pa din, bakas mo pa din yung tunay na itsura. ANGULO lang!
FROGLET: Yung kung makaasta akala mo GWAPO, yung sobrang nakakainis na kung kumilos, kapag magkwento pa, siya yung laging bida.
???????: Yung pag makita mo, makukuha niya atensyon mo pero maya-maya malalaman mo bakla pala.
Umuwing lasing si Mr. may dalang manok.
MR: Ito iyong baboy na madalas kong kasiping. Hik!
MRS: Ta*ga! Di yan baboy, manok iyan!
MR: Gag*! Itong manok ang kausap ko!
Tanggap ko na di lahat ng gusto ko nakukuha ko. Pero may isang bagay na proud ako. Hindi rin pala lahat ng nagkakagusto sa akin nakukuha ako! Yabang!! Hahaha!
DRAMA SA RADYO:
“Huwag mo akong hawakan, Berting nasasaktan ako! Magulo na ang buhok ko at pumapalag na ako ngayon!”
“Magtapat ka Lorena! Habang lalong humihigpit ang hawak ko sa iyo !”
“Tama na Berting! May nakikita ako ngayong kutsilyho sa mesa, kukunin ko ito at bigla kong isasaksak sayo…ayan nakuha ko na…sinasaksak na kita”
“Ahhhh !!! sinaksak mo ako sa tiyan , ito ngayon nagdurugo at mamamatay na ako…ayan…patay na ako. ”
Buti na lang naimbento ang T.V.
Junior: Itay, meron ba tayong kamag-anak na mahirap?
Itay: Meron, anak. Kaya lang, hindi ko kilala, eh.
Junior: Eh mayaman pong kamag-anak, meron ba tayo?
Itay: Ahh, oo, anak. Meron. Kaya lang, hindi tayo kilala!